Umapela si dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa Professional Regulation Commission (PRC) na baliktarin ang desisyon nitong kanselahin ang kanyang lisensya bilang engineer.
Sa inihaing motion for reconsideration ni Alcantara, nagkamali umano sa pagkakaunawa sa mga katotohanan ang PRC sa naging aksiyon nito.
Hindi lamang daw “premature” kundi irregular ang pagkakabawi sa civil engineering license ng dating opisyal.
Batay sa naunang desisyon, sinabi ng PRC na natuklasang guilty ng Board of Civil Engineering si Alcantara sa unprofessional at unethical conduct in violation of the code of ethics for civil engineers.
Ilang beses nang idinawit si Alcantara sa isyu ng pagtanggap ng kickback mula sa mga maanomalyang flood control project sa unang distrito ng Bulacan. | via Alegria Galimba
