Isinailalim sa pagsusuri ang testimonya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara nitong Martes ng umaga, September 23, kasunod ng kanyang na mabigyan ng proteksyon ang kanyang pamilya.
Ito ay matapos niyang ibunyag at pangalanan ang mga umano’y sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng bayan.
Ilang mambabatas ang nadawit tulad nina dating Sen. Bong Revilla, Sen. Joel Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, dating Caloocan Representative Mitch Cajayon-Uy at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Humiling si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na pansamantalang i-excuse sa pagdinig ng Senado si Alcantara para kausapin ito sa kanilang opisina.
Tiniyak naman ni Remulla na malaking tulong ang salaysay ni Alcantara sa Witness Protection Program (WPP) at sa pagsasampa ng kaso sa lalong nadaling panahon sa mga umano’y may kinalaman sa anomalya. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
