Ibabalik na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. matapos ang ilang linggong pananatili sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon sa kanyang legal counsel na si Ferdinand Topacio, patuloy pa ring nakararanas ng pananakit ng tiyan ang dating kongresista, subalit pinayagan na siyang ma-discharge ng ospital.
Matatandaang isinugod sa PGH noong June 17 ang dating kongresista dahil sa matinding pananakit ng tiyan at sumailalim sa emergency appendectomy.
“He’s still experiencing some abdominal pains but welcomes the discharge and his return to his cell at Annex 2 of the BJMP—if only to silence misguided and malicious critics,” depensa ni Topacio sa mga alegasyon ng pag-iwas ni Teves sa pagharap sa mga nakaabang na kaso laban sa kanya.
Nakatakda sanang humarap si Teves sa Manila Regional Trial Court Branch 12 kahapon, June 30, subalit nausad ito sa July 14 dahil sa kanyang medical condition.
Nahaharap si Teves sa 10 counts of murder, 14 counts of frustrated murder, at apat na counts ng attempted murder na kaugnay sa pagpatay kay noo’y Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pang iba sa tinaguriang Pamplona Massacre noong 2023. | via Clarence Concepcion | Photo via NBI
#D8TVNews #D8TV
