Estudyante, pinagbabaril ng dalawang lalaki

Habang naglalakad sa kalsada ng Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City sa Laguna ay pinagbabaril ang 17 anyos na estudyante.

Nasawi ang biktima na kinilalang si JP, residente ng nasabing lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Calamba Police, ala-1:00 ng madaling-araw, naglakad ang biktima sa lugar nang harangin ng dalawang suspek at walang pag-aalinlangang pinagbabaril hanggang sa bumulagta.

Samantala, agad na nakatakas ang suspek.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek at ang motibo ng krimen | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *