Sila na ba ang tinaguriang ‘big fish’? Sinampahan ngayon ng Department of Justice (DOJ) ng plunder ang tatlong bigating personalidad kaugnay sa flood control scam.
Ayon sa DOJ, nahaharap sa mga reklamong plunder sina Senator Jinggoy Estrada, dating Senator Bong Revilla Jr., at dating Congressman Zaldy Co kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects.
Dagdag pa ng DOJ, tig-tatlong magkakahiwalay na kasong plunder ang isinampa laban sa bawat isa.
Sa ilalim ng Anti-Plunder Act, itinuturing na plunder ang pagkamal ng isang opisyal ng gobyerno ng hindi bababa sa ₱75 million na yaman mula sa maling paggamit ng pondo at pagtanggap ng kickback.
Samantala, nagsumite na si Revilla ng kanyang counter-affidavit at mariing itinanggi ang mga paratang.
Iniuugnay siya sa kaso matapos igiit ng isang dating opisyal ng DPWH na tmanggap siya ng ₱375 million na kickback mula sa scam.
Iginiit din ni Senator Estrada na walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanya at patuloy umano siyang nagsisilbi nang may integridad.
