Pumanaw si Estelito Mendoza, kilalang “super lawyer” at “lawyer of last resort,” sa edad na 95 noong Miyerkules. Kinumpirma ng Philippine National Bank (PNB) ang kanyang pagpanaw, kung saan siya nagsilbing direktor mula 2009.
Si Mendoza ay tanyag sa pagtatanggol ng mga kontrobersyal na personalidad, kabilang ang pamilyang Marcos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at kamakailan si VP Sara Duterte sa isyu ng confidential funds.
Bilang dating Solicitor General (1972-1986) at Justice Minister (1984-1986), siya ay mahalagang bahagi ng diktadurya ni Marcos, na tumulong sa legal na pag-justify ng martial law.
Naging abugado rin siya sa malalaking kaso ng katiwalian, kabilang ang pork barrel scam nina Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada.
Bukod sa pagiging abogado, naging gobernador siya ng Pampanga at miyembro ng Batasang Pambansa. Mayroon siyang law degree mula UP at Harvard at kinilala ng iba’t ibang institusyon sa larangan ng batas. | via Lorencris Siarez | Photo via kahimyang.com
#D8TVNews #D8TV