Sinabi ni Senate President Chiz Escudero noong Huwebes na karamihan sa mga senador ay hindi pabor sa isang caucus upang talakayin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Wala ring planong magdaos ng all-member caucus habang naka-break ang Kongreso.
Nang tanungin sa isang press conference kung may balak pa ang Senado na mag-caucus habang naka-recess ang sesyon, agad na sinagot ni Escudero ng “Hindi sa ngayon.” Dagdag pa niya, makikipagkita lang siya kay Senate Minority Leader Koko Pimentel para magkape.
Ayon kay Escudero, kinausap niya ang ilang senador tungkol dito, at karamihan ay hindi interesado o abala. “Paano magiging all-senators’ caucus kung marami ang nasa probinsiya o nasa ibang bansa? Wala rin kaming magagawa hangga’t walang sesyon,” paliwanag niya. – via Allan Ortega
Escudero: Karamihan sa mga senador tutol sa caucus para sa impeachment trial ni VP Duterte
