Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na hindi nasagasaan ang soberanya ng Pilipinas nang isuko ng mga awtoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
“Hindi,” diretsahang sagot ni Escudero sa Kapihan sa Manila Bay forum. Paliwanag niya, Pilipino mismo ang nagsampa ng kaso at nagdesisyon, hindi mga dayuhan. Wala rin umanong kasong nakabinbin laban kay Duterte sa Pilipinas kaya hindi masasabing inilipat ito sa ibang hurisdiksyon.
Ikinumpara niya ang kaso ni Duterte kay dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves, na may pending na kaso sa bansa kaya ini-extradite mula Timor Leste.
Matatandaang umatras ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019 matapos simulan ng ICC ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte. Ayon sa ICC, may matibay na ebidensya na responsable siya sa crimes against humanity dahil sa libu-libong napatay sa kanyang kampanya kontra droga.
Opisyal na tala ng gobyerno: 6,200 ang napatay mula 2016-2021, pero ayon sa human rights groups, maaaring umabot ito sa 30,000 dahil sa mga di-iniulat na patayan. | via Allan Ortega | Photo via Senate PRIB
#D8TVNews #D8TV