ES Recto: 2026 budget, pipirmahan ni PBBM sa unang linggo ng 2026

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang 2026 budget sa unang linggo ng Enero.

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Ralph Recto ngayong Miyerkules.

Ibig sabihin, magkakaroon ng reenacted budget ang bansa sa unang linggo pagpasok ng 2026 o hanggang sa mapirmahan ng Pangulo ang General Appropriations Act (GAA) na ang nakasaad na gastusin noong nakaraang taon para sa parehong linggo ang susunurin ng gobyerno.

May kabuuang ₱6.793 trilyon ang panukalang national budget na layong ilalaan sa mga pangunahing programa ng pamahalaan na nakatuon sa mga proyektong pang-imprastruktura at serbisyo publiko para sa susunod na taon.

Sa December 29 naman nakatakdang ratipikahan ang panukalang pondo.

Ayon pa sa Palasyo, posibleng hindi na rin gaanong makakapag-celebrate ng holidays ang Pangulo dahil nais nitong masuri at mapag-aralang mabuti ang national budget. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *