ES Bersamin sa Kamara: Clean your house first!

CLEAN YOUR HOUSE FIRST!

‘Yan ang banat ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ilang kongresista na nagtatangka umanong ibaling ang sisi sa Ehekutibo ang mga nangyayaring katiwalian.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Kamara na ibalik sa DBM ang proposed 2026 national budget.

Ayon kay Bersamin, hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong pag-atake sa integridad at reputasyon ng Ehekutibo at paggamit ng political theatrics para kontrolin ang budget process.

Sabi pa nito, mawawalan ng saysay ang lahat ng isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kung hindi mabubusisi ang mga pinagmulan ng katiwalian.

Kaya naman hinihikayat ng gabinete na pakinggan ang hiling ng taumbayan na linisin ang kanilang hanay.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. DBM at si DPWH Secretary Vince Dizon na busisiin ang panukalang pondo ng DPWH sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP) na layong tukuyin kung mayroong mga “insertion” o dobleng alokasyon sa bugdet na dapat alisin. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *