Eraserheads may Manila concert ngayong 2025

Mga tunay na fan ng Eraserheads, handa na ba kayo? Kung nanood kayo ng Eraserheads: Combo On The Run sa sinehan, may bonus treat kayo kung naghintay hanggang dulo ng credits—isang malaking concert announcement!
Eraserheads: Electric Fun Music Festival ang pangalan ng outdoor concert na magaganap sa May 31, 2025, sa SMDC Festival Grounds, Pasay City. Wala pang detalye sa ticket prices at line-up.
Bukod sa concert, may pasabog pa ang banda—may posibilidad ng bagong music! Sa kanilang documentary, tila may pahiwatig na baka marinig natin ang fresh tracks mula sa legendary OPM band ngayong taon. | via Lorencris Siarez | Photo via msn

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *