Enrile: Naayon sa konstitusyon ang pagkakaaresto kay FPRRD

Matapos ang kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport at ang kanyang pagkakakulong sa The Hague sa ilalim ng International Criminal Court (ICC), bumuhos ang reaksyon mula sa publiko kasama na ang matinding pahayag mula sa dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa isang Facebook post, dinepensahan ni Enrile si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (BBM) laban sa mga batikos mula sa mga tagasuporta ni Duterte, na nagsasabing “kidnap” umano ang nangyari at pambabastos sa soberanya ng bansa. Ayon sa kanya, sumusunod lang ang gobyerno sa “rule of law” at sa prinsipyo ng hustisya. Ipinaalala pa niya na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan ang kapangyarihan ay nahahati sa legislative, executive, at judiciary at hindi puwedeng basta-basta gumawa ng desisyon ang isang sangay ng gobyerno.

Dagdag pa ni Enrile ng maupo si PBBM sumumpa ito na ipatupad ang batas at ipagtanggol ang konstitusyon. Binigyang-diin din ni Enrile ang Republic Act No. 9851 lalo na ang Chapter VII na nagbibigay daan sa kooperasyon ng bansa sa mga internasyonal na korte tulad ng ICC. Giit niya, hindi ito pagyuko kundi bahagi ng ating commitment sa pandaigdigang hustisya. Sa huli, binitawan ni Enrile ang malutong na linya na “I will not burn the whole house to save the ass of a cook whose error, negligence, or hubris caused a fire in the kitchen.” | via Dann Miranda | Photo via Juan Ponce Enrile FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *