Employers na lalabag sa wage hike, maaaring makulong at pagmultahin —Sen. Estrada

Binalaan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang mga employer sa Metro Manila na maaari silang makasuhan at makulong nang hanggang dalawang taon kung hindi sila susundin ang P50 dagdag sa daily minimum wage simula July 18.


Ayon kay Estrada, nakasaad sa umiiral na Wage Order No. NCR-26 na ang mga lalabag ay maaaring mapatawan ng multang hanggang P25,000 at pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon.
Ngunit aniya, hindi ito sapat kaya’t muli niyang ihahain sa Senado ang panukalang amyendahan aang Republic Act 6727 o Wage Rationalization Act upang mas paigtingin ang implementasyon ng dagdag-sahod.


“The Constitution mandates a living wage. Yet we struggle even to enforce the minimum wage in many areas. This bill seeks to close that gap. By increasing penalties and improving enforcement, we send a strong message: wage theft will not be tolerated.” ani Estrada.


Sa ilalim ng panukala ni Estrada, papatawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang lalabag sa wage hike. Maaring silang pagmultahin ng hindi bababa sa P100,000, moral damages na hanggang P30,000 kada manggagawang apektado, at posibleng pagkakakulong nang dalawa hanggang apat na taon.


Nakasaad din sa panukala ang awtomatikong pag-garnish o pagkumpiska ng mga assets ng lumabag kung hindi nito mababayaran ang multa. | via Clarence Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *