Muling nagharap si Emperor Naruhito at U.S. President Donald Trump sa Imperial Palace matapos ang mahigit anim na taon.
Sinalubong ni Emperor Naruhito si Trump sa Palasyo na nakasakay sa Presidential state car.
Sa loob ng 30 minutong pagpupulong ipinahayag ni Trump ang kanyang karangalan na makausap muli ang Emperador. Kaniyang binigyang-diin ang layunin na palalimin pa ang ugnayang Japan-U.S. sa ilalim ng bagong Prime Minister na si Sanae Takaichi.
Sa tugon naman ni Emperor Naruhito, ipinahayag niya ang pag-asang lalong titibay ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at nagpaabot ng panalangin para sa kapayapaan sa gitna ng mga alitan sa iba’t ibang panig ng mundo. | via Ghazi Sarip
