Bibida sa kanyang unang pelikula si Eraserheads vocalist Ely Buendia sa Cinemalaya film na Padamlagan.
Kasama sa 10 full-length feature films sa Cinemalaya 2025 ang Padamlagan (Night Light), isang kwentong tungkol sa 1972 Colgante Bridge Tragedy na naganap sa Naga River.
Ang karakter ni Buendia na si Doring, isang voyador ng birhen ng Peñafrancia, ay isa sa mga biktima ng sakuna matapos makasama sa nawawala ang sariling anak.
Sa mediacon nitong Miyerkules, Setyembre 3, 2025, inamin ni Ely na nagulat siya nang i-offer sa kanya ang lead role ng pelikula.
“Nagulat ako in the sense na I’m not really experienced as an actor, and they would take their chance on a newcomer,” saad ng bokalista.
Bilang laking Naga, itinuturing ni Ely na “return to my roots” ang proyekto kaya niya raw ito tinanggap.
Kagaya naman ng mga binubuong kanta, naniniwala si Ely na may political statement ang pelikula lalo pa’t nangyari ng trahedya limang araw bago ideklara ng Martial Law noong Setyembre 21, 1972.
Kabilang sa pelikula ang kapwa Bicolano na sina Esteban Mara, Sue Prado, and Floyd Tena, sa direksyon ng Bicolana Director na si Jenn Romano. | via Martina Torres D8TV News