Idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang Dengue Outbreak dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa lungsod.
Ayon sa tala ng lokal na pamahalaan, mula Enero ng taong ito, umabot na sa sampu ang namatay dahil sa dengue, at walo sa mga ito ay mga menor-de-edad. Naitala na ang kabuuang bilang ng 1,769 kaso ng dengue sa lungsod.
Kaugnay nito, ipinatawag ng Pamahalaang Lungsod ang 142 barangay captains upang talakayin ang mga hakbang na ipatutupad sa bawat komunidad upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Isa sa mga napag-usapan sa pulong ay ang pagsasagawa ng mga clean-up drive, mosquito fogging, at ang paghihikayat sa publiko na linisin ang kanilang mga kabahayan upang maiwasan ang pamumugad ng mga lamok.
#dengue
#d8tvnews
#D8TV
Quezon City Nagdeklara ng Dengue Outbreak
