Nasungkit ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena ang ikaapat na gintong medalya ng Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games.
Ito ay matapos makamit ni Obiena ang record na 5.70 meters sa kanyang unang attempt sa men’s pole vault kung saan naitala niya ang bagong SEA Games record.
Tinalo niya ang pambato ng Thai na si Amsamarng Patsapong na nag-uwi ng silver.
Bukod kay Obiena, nasungkit din ng isa pang pambato ng Pilipinas na si Elijah Kevin Cole ang bronze medal nang makuha ang record na 5.20 meters sa laro.
Ang Olympian na si Obiena ay dating kabilang sa elite group ng pole vaulters sa mundo bago ito magkaroon ng back injury noong 2024.
Sa ngayon, nasa ika-anim na pwesto pa rin ang Pilipinas na may 29 gold, 45 silver at 94 bronze medals para sa kabuuang 168 na medalya sa Day 7 ng palaro. | via Alegria Galimba
