Nakatakdang lumahok ang higit 2,200 atleta mula sa iba’t ibang bansa sa World Athletics Championships na gaganapin mula Setyembre 13 hanggang 21 sa National Stadium, Tokyo, Japan.
Kasama sa mga kalahok ang pambato ng Pilipinas na si Ernest John “EJ” Obiena, na hawak ang Asian Championships record na 5.90 metro. Siya ay kabilang sa 28 entries sa men’s pole vault event, kung saan muli niyang ipapakita ang galing laban sa ilan sa pinakamahuhusay na pole vaulters sa buong mundo. | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo via EJ Obiena/Facebook
#D8TVNews #D8TV
