Patuloy na magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa ang umiiral na easterlies o mainit na hanging galing sa silangan, ayon sa PAGASA nitong Martes.
Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Luzon gaya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Marinduque, at Oriental Mindoro.
Babala ng PAGASA, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.
Sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas, may mga pulos na pag-ulan o thunderstorm din, gayundin sa Mindanao dahil ito sa mga localized thunderstorms.
Mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon ang inaasahan sa buong kapuluan.
Samantala, binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa layong 1,785 km silangan ng Southeastern Mindanao, na nasa labas pa ng PAR.
May katamtamang tsansa itong maging bagyo sa loob ng 24 oras at posibleng pumasok sa PAR pagsapit ng Huwebes, ayon kay PAGASA forecaster Chenel Dominguez. | via Allan Ortega
