Easterlies magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas

Uulan sa ilang parte ng bansa habang patuloy ang matinding init sa iba, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules.

Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental at Davao Occidental. Babala ng PAGASA posibleng baha at landslide dahil sa lakas ng ulan!

Samantala, asahan na ang panaka-nakang ulan o thunderstorm sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Wala namang binabantayang bagyo sa ngayon.

Pero huwag magpakampante dahil matindi pa rin ang init ng panahon. Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, aabot sa 44°C ang heat index sa Cavite City, San Jose (Occidental Mindoro), Pili (Camarines Sur), Roxas City (Capiz), at Butuan (Agusan del Norte). Sa NAIA at Quezon City, papalo sa 42°C! | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *