Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes na ang umiiral na easterlies ay magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Magdudulot ito ng kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidlat sa Eastern Visayas at Caraga.
Posible ring magkaroon ng flash floods o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga nasabing lugar.
Magtutulak din ang easterlies ng mga pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Samantala, mararanasan din sa natitirang bahagi ng Luzon ang mga pulu-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahan din ng PAGASA ang mahihinang hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang taas ng alon sa buong kapuluan. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV