Uulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules dahil sa easterlies na nakaaapekto sa Central at Southern Luzon pati na rin sa Visayas, ayon sa PAGASA.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Luzon tulad ng Isabela, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Capiz, Aklan, Cebu, at Bohol.
Samantala, maulap din na may pulu-pulong pag-ulan ang aasahan sa Batanes, Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte dahil naman sa northeasterly windflow.
Sa Mindanao, magiging maulap din na may mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Magdala ng payong at mag-ingat sa biglaang buhos ng ulan. | via Allan Ortega
