Pasok na sa quarterfinals ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala, matapos niyang ilampaso sa straight sets si Petra Marcinko ng Croatia.
Hindi pina-score ng world number 50 na si Eala ang kalaban sa unang set.
Matapos maungusan si Eala 0-2 sa second set, hindi na nakabawi ang world No. 82 at beteranang kampeon na si Marcinko.
Samantala, nausog sa Biyernes ang doubles quarterfinals ni Eala at ng kanyang American partner na si Iva Jovic. Makakaharap nila sina Jesika Maleckova ng Czechia at Renata Zarazua ng Mexico para sa semifinal spot.
Nakatakdang maglaro si Eala sa Australian Open sa Jan. 12, ang unang grand slam ng taon, kung saan otomatiko na siyang pasok sa main draw. | via Ghazi Sarip
