Duterte, nasa custody na ng ICC sa Netherlands

Dumating na sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC). Ayon sa Philippine Embassy, lumapag ang sinakyang chartered flight ni Duterte sa Rotterdam Airport bandang 11:56 p.m. (PH Time) nitong Miyerkules.
Isinuko na siya ng Philippine law enforcement authorities sa Judicial Cooperation Unit ng ICC. Sinuri agad ng ICC medical team ang kanyang kalagayan, habang tinutulungan ng embahada sa mga pangangailangan tulad ng damit at care packages.
Samantala, binigyan ng 15-day visa si dating Executive Secretary Salvador Medialdea bilang legal counsel ni Duterte at nakatakdang bumisita sa detention center sa Scheveningen. Ang nurse at aide ni Duterte ay babalik na sa Pilipinas, habang ang iba pang kasama niya ay binigyan ng dalawang araw para makapagpahinga bago umuwi.
Mahigpit na binabantayan ngayon ng ICC at ng Netherlands Ministry of Foreign Affairs ang lagay ng dating pangulo. | via Allan Ortega | Photo via CPI-ICC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *