Bilang suporta sa pagpapalakas ng digital education sa bansa, nag-donate ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 10 high-powered laptops sa Department of Education (DepEd). Layunin ng hakbang na ito na tulungan ang mga guro at mag-aaral na makasabay sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lalo na sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa edukasyon.
Ayon sa DTI, ang donasyon ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba para isulong ang digital transformation sa sektor ng edukasyon. Bahagi ito ng pagsusumikap ng pamahalaan na sanayin ang mga Pilipino sa makabagong digital tools para mas mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.
Tiniyak ng DepEd na magagamit ang mga bagong kagamitan sa mga programang nakatuon sa teknolohiya, partikular sa mga pilot schools na nagsisimula nang magpatupad ng AI-driven learning. Nananatiling committed ang dalawang ahensya na palawakin pa ang mga ganitong proyekto sa iba pang mga paaralan sa buong bansa. | via Dann Miranda | Photo via Sonny Angara FB Page
#D8TVNews #D8TV