DSWD maghihigpit sa requirements ng ayuda

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagong patakaran sa pagbibigay ng Ayuda para sa mga Kababayan na nasa Pagkakataong Mahirap (AKAP). Simula ngayon, tanging mga indibidwal na kumikita ng mas mababa sa minimum wage ang kwalipikadong makatanggap ng pinansyal na tulong mula sa programa.
Ayon sa DSWD, layunin ng hakbang na ito na matiyak na ang limitadong pondo ng gobyerno ay mapupunta sa mga tunay na nangangailangan. Ang mga kumikita ng minimum wage o higit pa ay hindi na kasama sa mga makakatanggap ng AKAP assistance.
Hinimok ng ahensya ang publiko na unawain ang bagong patakaran at tiniyak din ng ahensya na patuloy silang maghahanap ng paraan para matulungan ang mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *