Nakahanda ang mahigit 3 milyong kahon ng family food packs (FFPs) na ipamamahagi sa publiko matapos na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao, handa ang ahensya partikular ang Disaster Response Management Group (DRMG) na magbigay ng agarang tulong sa masasalanta ng bagyo.
“In line with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s vision of an omnipresent disaster response, our agency Field Offices are in tight coordination with LGUs dito po sa Palawan, Camiguin, Southern Leyte, Surigao del Norte, and Dinagat Islands na inaasahang makakaranas ng pag-ulan dulot ng Bagyong Crising,” ani Dumlao.
“Rest assured that the agency’s stockpiles are not only abundant but closest to communities that will need it,” dagdag pa niya.
Dagdag pa rito, may nakaimbak din na non-food items ang ahensya kabilang ang family, hygiene, kitchen, at sleepings kits na nagkakahalaga ng aabot sa ₱773,134,509. | via Florence Alfonso