DSWD: Buwanang P1,000 pensyon, para lang sa mahihirap at may kapansanang senior citizen

Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na tanging mahihirap o “indigent” na senior citizens lamang ang kwalipikado sa ₱1,000 buwanang pensyon sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program (SocPen).

Ang mga Kwalipikado ay yung mga walang sariling pension, walang suporta mula sa pamilya, walang matatag na kita at may sakit, mahina, o may kapansanan.

May mga kumakalat kasing maling impormasyon sa social media na lahat ng senior citizens ay entitled sa pension, fake news po yan, ayon sa DSWD.

4.08 milyon indigent senior citizens ang benepisyaryo ngayong 2024 base sa Republic Act No. 9994 – Expanded Senior Citizens Act of 2010 at Republic Act No. 1196 – Taong 2022, tinaasan mula ₱500 naging ₱1,000 simula Enero 2024.

Paalala ng DSWD impormasyon lamang mula sa opisyal nilang social media at website ang dapat paniwalaan.

“Magkaiba po ang SocPen at ang isinusulong na Universal Social Pension Bill na para sa lahat ng seniors,” ani Asst. Secretary Ada Colico. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *