DSWD Bicol, naghanda na para sa #TinoPH

Naghanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol Region sa posibleng hagupit ng Bagyong Tino.

Naka-preposition na ang 212,320 family food packs at 20,353 non-food items, katumbas ng halos ₱184 milyon at may ₱3 milyon pa na standby funds para sa emergency.

Ayon kay DSWD Regional Director Norman Laurio, nakalatag na ang tulong at naka-deploy na ang mga supplies para sa mga LGU sakaling kailanganin ang evacuation o may displacement dahil sa bagyo.

Kaugnay nito, nagsuspinde ng klase ang ilang lugar.

Sa Albay, kanselado ang kindergarten classes sa Camalig, Daraga, Manito, Guinobatan, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Bacacay at Legazpi City.

Sa Pio Duran, hanggang secondary level ang walang pasok.

Ayon kay Governor Luigi Villafuerte, itinaas na rin sa Red Alert ang Camarines Sur.

Pinai-activate na ang mga Emergency Operations Center at ipinag-utos na rin ang pre-emptive o forced evacuation sa mga delikadong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *