Drug suspect, huli sa Cagayan de Oro sa pamamagitan ng “Isumbong Mo sa PDEA”

Naaresto sa isang joint buy-bust operation ang isang pangunahing suspek sa droga matapos makatanggap ng tip mula sa “Isumbong Mo sa PDEA” platform.


Naganap ang operasyon nitong Disyembre 17, 2025, bandang 3:20 PM sa Palm Spring Subdivision, Cugman.

Nasamsam ang anim na rectangular heat-sealed na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 2 gramo ng shabu, na may halagang P13,600. Nakuha rin ang buy-bust money.


Kinilala ng PDEA Regional Director Alex M. Tablate ang suspek na si alias “Carlo,” 29 taong gulang, walang asawa, residente ng parehong lugar.


Haharapin ngayon ni Carlo ang kaso sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *