


Isang drug den ang sinalakay ng PDEA Rizal at Rizal Provincial Drug Enforcement Unit sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal, ngayong Pebrero 28, 2025, bandang 12:45 ng umaga. Anim na lalaki ang naaresto, kabilang ang isang pintor, contractor, vendor, at construction workers, habang si alias Pipac ay pinaghahanap pa.
Nakompiska ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php34,000, drug paraphernalia, at buy-bust money. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165. Kasalukuyan silang nakakulong sa PDEA Regional Office IV-A sa Santa Rosa, Laguna. – via Allan Ortega