Dredging at Reclamation activities pinapaimbestigahan ni PBBM

Iniutos ni President Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang mga dredging at reclamation activities sa katubigan ng bansa.

Isiniawalat ng National Intelligence Coordination Agency (NICA) na ginagamit ng Tsina ang buhangin mula sa coastal areas ng bansa para sa kanilang reclamation activities sa West Philippine Sea. Ayon naman kay Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro, matapos matanggap ang impormasyon agad na iniutos ng pangulo na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon ukol dito at ngayon ay may ongoing investigation na. Dagdag pa niya ibinilin ng pangulo na panagutin ang dapat managot.

Iniimbestigahan din ng NICA ang iba’t ibang Chinese companies na mayroong reclamation at dedging activities sa bansa kabilang na rito ang Manila Bay. Mayroon din na mga dredging activities sa Mindoro, Cagayan, at Zambales. | via Dee Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *