DPWH, pumirma ng MOA sa IC

Aminado ang DPWH na bilyon-bilyong piso ng pondo ang nasayang dahil sa mga tiwaling kontratista matapos ang sunod-sunod na isyu ng mga palpak na ghost projects. Kahapon, pinirmahan na ni DPWH Secretary Vince Dizon at Insurance Commissioner Reynaldo Regalado ang Memorandum of Agreement upang habulin ang mga performance bonds ng mga abusadong kontratista.

Sa ilalim ng kasunduan, pabibilisin ng dalawang ahensya ang proseso ng insurance claims para mabawi ang hanggang 30% ng halaga ng bawat palpak na proyekto. Babala pa ni Dizon, huwag na raw hintayin ng mga kumpanyang sangkot na umabot pa sa korte.

Hindi umano sapat na makulong lamang kundi marapat na maibalik ang pera ng taumbayan.

Dagdag pa rito, layunin ng bagong MOA na tiyaking hindi na mauulit ang ganitong katiwalian at maibalik sa tama ang tiwala at pondo ng taong bayan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *