DPWH, patuloy ang pagtugon sa gumuhong Piggatan Bridge

Tuloy-tuloy ang pagkilos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos gumuho ang Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan kamakailan.

Ang tulay na ito ay pangunahing daanan ng mga sasakyan at delivery trucks sa lugar, kaya’t abala sa transportasyon at kabuhayan ang idinulot sa mga taga-roon.

Bilang tugon ng DPWH, mahigit 11% na agad ang natatapos sa konstruksyon ng detour bridge sa loob pa lamang ng ilang araw mula nang simulan ito.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, target nilang matapos ang tulay sa loob ng 60 araw, may kapasidad na hanggang 40 tons, alinsunod sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang proyekto bago pa sumabay sa harvest season.

Samantala, sa patuloy na trabaho ng mga tauhan at gamit ng DPWH, inaasahang muling magiging mas ligtas at mas maginhawa ang pagbiyahe ng mga Cagayano sa mga darating na linggo. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *