Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamilya ng pumanaw na si dating Usec. Ma. Catalina Cabral.
Ayon sa DPWH, nanilbihan si Cabral ng mahigit 40 taon at ipagluluksa ng buong ahensya ang pagkawala nito.
Humiling naman ang ahensya sa publiko na irespeto ang pribadong pagluluksa ng pamilya ni Cabral.
“We recognize the profound loss the family is facing and offer our sincerest prayers. The Department urges everyone to respect the family’s need for privacy as they mourn and come to terms with the sudden loss,” ayon sa pahayag ng DPWH.
Nitong Huwebes ay natagpuang walang malay ang dating opisyal sa gilid ng Bued River matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road.
Bandang alas-12:00 ng madaling araw ngayong Biyernes nang kumpirmahin ng Benguet police ang pagpanaw nito. | via Alegria Galimba
