DPWH: Marami sa mga nasuring public buildings kailangan ng retroffiting

Libu-libong pampublikong gusali sa bansa ang kailangang dumaan sa retrofitting bilang paghahanda sa posibleng malakas na lindol, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, mahigit 21,000 pampublikong gusali na ang na-assess, at marami rito ang irerekomendang i-retrofit para umabot sa international earthquake standards. Mayroon ding tulong mula sa World Bank para sa retrofitting ng 425 gusali.
Samantala, sinabi ni Office of Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahanap ng pangmatagalang solusyon para sa kalamidad. Kabilang dito ang masusing pagsusuri sa milyun-milyong bahay at pagpapalakas ng pakikilahok ng publiko at pribadong sektor.
Nagbibigay din ng teknikal na tulong ang DPWH sa Department of Transportation (DOTr) para tiyaking matibay ang mga imprastruktura tulad ng LRT at MRT.
Para sa kaalaman ng publiko, maaaring bisitahin ang https://hazardhunter.georisk.gov.ph/ para malaman kung gaano kahazardous ang isang lugar. Pinapaalalahanan din ang lahat na sumunod sa Building Code upang makatiyak na matibay ang mga gusali laban sa lindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), hindi lalampas sa magnitude 7.2 ang “Big One” dahil limitado ang haba ng West Valley Fault. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *