Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hahabulin nila ang mga contractor sa likod ng mga ghost projects partikular sa flood control.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, bahagi pa rin ito ng kanilang paglilinis sa mga anomalya sa flood control projects na sangkot ang bilyun-bilyong pisong pondo.
Kaugnay nito, inanunsiyo ni Dizon na makikipag-ugnayan sila sa Anti-Money Laundering Council sa Lunes para sa posibleng freezing at forfeiture ng assets ng mga sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng bayan.
Samantala, kinumpirma rin ni Dizon na pipirmahan niya ngayong araw ang dismissal nina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Sina Hernandez at Mendoza ay mga kawani ng district engineering office ng Bulacan na dawit sa isyu ng maanomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng parehong kapulungan ng Kongreso. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DPWH/Facebook
#D8TVNews #D8TV
