DPWH, ibinagsak ang presyo ng construction materials

Ibinunyag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sobra-sobra pala ang patong sa presyo ng ilang construction materials kung saan umaabot pa raw ito sa 75% ang overprice.
Kaya ngayong Lunes, Nobyembre 3, big time price rollback ang ipinatupad sa mga materyales para sa mga proyekto ng gobyerno.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, may mga dating opisyal daw sa DPWH na umamin sa pagpepresyo nang sobra para sa kickback scheme.

Dahil dito, inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang presyo ng construction materials para wakasan ang korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.

Pinakamalaking bagsak presyo ang Asphalt at hot mix, ilan pa sa bumaba ang presyo ang sumusunod:

Steel Sheet Pile: -36%
Gravel: -32%
Sand: -32%
Steel bars: hanggang -32%
Cement: -10%
Ready-mix concrete: -7%

Sabi pa ni Dizon, aabot sa ₱60 bilyon ang matitipid ng gobyerno sa bagong presyo.


At para sigurado fix na raw ang bagong presyo kahit magpalit ng administrasyon, at epektibo ito sa mga proyekto simula 2025. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *