DPWH, humiling sa bicam na ibalik ang halos P54-B tapyas-pondo

Umapela si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa bicameral conference committee na ibalik ang halos P54 bilyong ibinawas na pondo sa kanilang tanggapan matapos ang pagbaba ng Construction Materials Price Data (CMPD).

Sa ikalawang budget deliberation kahapon, sinabi ni Dizon na ang pagbawas ng pondo sa humigit kumulang 10,000 proyekto ay magreresulta ng unimplementable projects.

Giit ni Sen. Loren Legarda, malinaw na si Dizon mismo ang nagsabing bawasan ang presyo ng overpriced na materyales.

Pero ayon kay Dizon, ang tapyas-presyo sa construction materials ay direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa kalihim, tugon ito ng administrasyon para maiwasan ang korapsyon at matiyak na tama ang paggamit sa pondo ng bayan.

Depensa niya, hindi naman ibabalik sa dating mataas na presyo ang mga materyales kundi para maipatupad ito nang tama.

Paglilinaw pa ni Dizon, walang tinanggal na proyekto ang ibabalik ng departamento.

Samantala, tatlong senador ang hindi dumalo sa conference meeting.

Kabilang dito sina Senators Camille Villar, Pia Cayetano, at JV Ejercito.

Hindi rin dumalo si Senator Bato dela Rosa na matatandaang absent sa plenary sessions simula pa noong Nobyembre kahit isa pa ito sa conferees.

Magpapatuloy naman ang budget deliberation ng bicam mamayang alas-4:00 ng hapon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *