DPWH budget, tapyas na

Binawasan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang alokasyon ng pondo sa mga locally-funded project ng ahensya para sa susunod na taon.

28.99% o ₱255.258-B ang tinapyas sa panukalang budget ng ahensya.

Ibig sabihin, mula sa ₱881.3-B na unang isinumite ay magiging ₱625.7-B na lamang ito.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-alis ng pondo para sa local flood control projects sa susunod na taon kung saan ilalaan na lamang ito sa iba pang programa ng pamahalaan.

Samantala, ngayong Miyerkules, September 17, ang nakatakdang pagdinig ng Kamara kaugnay sa budget ng DPWH. | via Alegria Galimba

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *