DOTr: Transport modernization tuloy pa rin, bukas si Dizon sa mga pagbabago

Tiniyak ng DepartmeTiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi titigil ang Public Transport Modernization Program (PTMP) sa kabila ng tatlong araw na strike ng grupong Manibela.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, bukas siya sa pagbabago para matugunan ang reklamo ng transport groups. Nangako siyang magbibigay ng solusyon sa loob ng dalawang linggo matapos makipagpulong sa mga apektadong sektor.
Giit ni Dizon, hindi isususpinde ang PTMP, pero rerepasuhin ang datos ng pagsasama-sama ng mga operator. Ayon sa LTFRB, 86% ng mga PUV operators ay nasa proseso na ng pagsasanib sa kooperatiba.
Samantala, hindi nagtagumpay ang transport strike ng Manibela ayon sa LTFRB, dahil sa mababang bilang ng lumahok at minimal na epekto sa trapiko. Sa Bicol, hindi sumali ang karamihan sa protesta dahil sa biglaang anunsyo at kawalan ng sapat na paghahanda. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *