DOTr service contracting program, ilulunsad sa April 15

Ilulunsad ng Department of Transportation sa April 15 ang pinalawak na service contracting program na layong suportahan ang operasyon ng pampublikong transportasyon sa gitna ng patuloy na krisis sa langis.

Ayon sa DOTr, makakatanggap ng bayad ang mga pampasaherong sasakyan depende sa uri ng unit

– ₱30 kada kilometro para sa traditional jeepney

– ₱40 para sa modern jeepney at UV express,

– ₱100 kada kilometro para sa mga bus

Ayon kay DOTr sec. Giovanni Lopez, inilaan ng pamahalaan ang paunang ₱1 bilyon para pondohan ang programa sa loob ng humigit-kumulang dalawang linggo, kung saan ₱200 milyon ay para sa maritime transport at ₱800 milyon para sa road-based transport services.

Makikinabang ang mga commuter sa dagdag na 20% fare discount sa mga rutang kabilang sa programa, bukod pa sa umiiral na diskwento para sa mga estudyante, senior citizen, at PWDs, na maaaring umabot sa kabuuang hanggang 40% na bawas sa pamasahe.

Gagamit ang DOTr ng GPS-based tracking system at manual validation upang ma-monitor ang biyahe ng mga sasakyan at masiguro ang tamang bayad sa mga operator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *