DOTr Sec. Dizon: 5 minute NAIA power outage, ‘hindi katanggap-tanggap’

Tila hindi natuwa si Transportation Secretary Vince Dizon sa limang minutong power interruption sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo. “Sobrang tagal, hindi katanggap-tanggap! Dapat isang minuto lang, gumagana na ang generator,” ani Dizon sa isang presscon nitong Lunes.
Apektado ang tatlong terminal:
• Terminal 1 (7:40 AM – 7:45 AM)
• Terminal 2 (7:24 AM – 7:48 AM)
• Terminal 3 (8:00 AM – 8:01 AM)
Pasalamat naman si Dizon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC) sa pagsisikap na humanap ng pangmatagalang solusyon, kabilang ang direktang koneksyon sa national grid para sa mas matatag na suplay ng kuryente.
Samantala, ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) GM Eric Ines, nagkaroon ng Meralco power tripping sa buong paliparan. Tiniyak naman ng NNIC na may 24/7 emergency response team para maiwasan ang ganitong aberya sa hinaharap. | via Allan Ortega | Photo via Transportation Secretary Vince Dizon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *