DOTr, pinag-aaralan ang paglalagay ng mandatory RFID sa mga bagong sasakyan

Isinasaalang-alang ng Department of Transportation (DOTr) ang panukalang isama na agad ang RFID sticker sa pagbili ng mga bagong sasakyan, kasabay ng pagpapalawig ng rehistro ng sasakyan.

Layunin nitong gawing mas mabilis at maginhawa ang pagdaan sa mga tollway dahil RFID na ang pangunahing electronic payment system sa mga expressway.

Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, may saysay ang mungkahi at plano niyang makipag-ugnayan sa mga pangunahing tollway operator upang talakayin ang posibilidad ng isang “one RFID” system sa buong bansa para hindi na kailangan ng hiwa-hiwalay na sticker.

Nilinaw din ni Lopez na kahit magiging limang taon na ang bisa ng rehistro ng bagong sasakyan simula Pebrero 15, nananatiling kailangang i-renew taun-taon ang Compulsory Third-Party Liability (CTPL) insurance dahil ito ay mandatory requirement sa rehistro.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng DOTr na gawing mas episyente at mas convenient ang karanasan ng mga motorista. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *