DOTr officials, obligado nang mag-commute papasok ng trabaho

Obligado nang sumakay ng pampublikong transportasyon ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at attached agencies nito papasok sa kanilang trabaho.

Ito ang utos ni DOTr acting Secretary Giovanni Lopez para maranasan ng mga ito ang hirap na nararanasan ng mga commuter araw-araw.

Bago ito, nitong Lunes, September 15, sinubukan mismo ni Lopez na bumiyahe ng rush hour sa Commonwealth, Quezon City.

Aniya, pahirapan ang pagsakay dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Samantala, ang mga opisyal ay kinakailangang magsumite ng report hindi lang bilang pagtalima kundi para sa pagbuo ng rekomendasyon at action plan ng ahensya na tutugon sa hirap na nararanasan ng mga commuter. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo Screenshot from DOTr PH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *