DOTr, nagbabala sa ilegal na bentahan online ng beep cards

Paiigtingin ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsawata sa mga hindi awtorisadong pagbebenta ng Beep cards.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, makikipagtulungan sila sa iba’t ibang online selling platforms para maalis sa listing ang mga ilegal na bentahan nito.

Bukod sa Beep cards, nagbabala rin ang AF Payments sa mga nagbebenta ng Beep charms o ‘yung mga cute na keychain na may built-in beep card chip sa loob na binebenta sa halagang P700.

Sinabi ni AF Payments CEO at President Jojo Carpio na tanging Beep card lamang ang kanilang nilalabas.

Kahapon ay nasampulan na ng PNP Anti-Cybercrime Group sa isang babae sa Pasig City matapos mahuling nagbebenta ng sobrang mahal na Beep cards online. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *