Magtatanim ang Department of Transportation ng 690,000 puno sa watersheds sa Sapangbato sa Angeles City at Sacobia sa Mabalacat City, Pampanga, at Maragundon sa Cavite simula sa Hulyo bilang bahagi ng Greening Program ng North-South Commuter Railway.
Ito ay bilang katuparan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang proteksyon sa kalikasan sa mga lugar na apektado ng malalaking proyekto sa transportasyon.
Ayon kay Transportation Sec. Giovanni “Banoy” Lopez, kaakibat ng konstruksyon ng mga proyekto ang responsibilidad na protektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim bilang kapalit ng mga naputol na puno.
Target ng DOTr na maabot ang kabuuang 1.2 milyong puno sa 18 site sa Bulacan at Pampanga mula 2024 bilang bahagi ng NSCR Greening Program.
