DOTr chief bukas sa mas mahabang oras ng MRT at LRT

Bukas si Transportation Secretary Vince Dizon sa pagpapahaba ng operasyon ng MRT-3 at LRT upang mapagaan ang buhay ng mga commuters.
Sa isang press conference sa San Juan, sinabi ni Dizon na malaking tulong ang dagdag na dalawang oras sa operasyon upang mabawasan ang haba ng pila. Iba ito sa naunang posisyon ng DOTr, na nagsabing hindi ito posible dahil sa maintenance issues.
Aminado si Dizon sa hamon ng maintenance ngunit handa siyang makipag-usap sa mga service providers upang humanap ng solusyon. “Kailangan nating itulak nang kaunti,” aniya.
Sa kasalukuyan, ang MRT-3 ay nag-ooperate mula 4:36 a.m. hanggang 10:11 p.m., habang ang LRT-1 at LRT-2 ay may magkatulad na schedule na nagsisimula sa 4:30 a.m. at natatapos ng 10:15 p.m. sa weekdays.
Ayon kay Dizon, “Lahat ng option ay bukas para mapabuti ang karanasan ng mga commuters.” – via Allan Ortega | Photo via lumina.com.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *