Nilinaw ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro na walang talakayan sa Malacañang ukol sa pagpapalit kay Tourism Secretary Christina Frasco.
Ito’y sa gitna ng batikos na kinahaharap ng kalihim matapos akusahan ng paggamit sa mga programang pinondahan ng pamahalaan para sa umano’y pag-promote ng sarili.
Hindi naman direktang sinagot ni Castro ang tanong ng Palace reporters kung si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ba ang papalit bilang pinuno ng Department of Tourism.
Una nang sinabi ni Castro na hindi na magkakaroon ng balasahan sa loob ng gabinete ng administrasyong Marcos. | via Joana Luna
