DOT, nagbabala sa mga non-essential travel

Nagbabala ang Department of Tourism o DOT na umiwas munang mag-travel kung hindi naman importante higit lalo sa mga baybayin at bundok na delikadong puntahan ngayon, ito’y bunsod ng pananalasa ni Bagyong Tino sa Visayas at Mindanao.

Sa inilabas na abiso kagabi, sinabi ng DOT na tuloy-tuloy ang inspeksyon sa mga tourist spot, hotels, at pasilidad para siguraduhin na ligtas ang mga ito matapos ang hagupit ng bagyo

Kaugnay nito, maraming kanseladong biyahe sa dagat at lipad sa eroplano dahil sa malakas na ulan, hangin, at malalaking alon na tinamaan ang Western Visayas, NIR, Central at Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.

Paalala ng ahensya, kung nasa mga apektadong lugar, manatili sa ligtas na tirahan, sumunod sa mga hotel at lokal na otoridad, at bantayan ang mga advisory ng PAGASA.

Dagdag pa ng DOT, babantayan nila ang sitwasyon at magbibigay ng updates habang patuloy ang pag-iingat para sa kaligtasan ng publiko. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *